“Dir­ector Eric B. Distor has already ordered all regional and district offices and all Manila operating divisions to conduct investigations on this in coordination with LGUs and other counterparts,” ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin.
PNA/File
NBI bubusisiin ang mga iregularidad ng LGUs
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

Habang may quarantine

MANILA, Philippines  — Tutugon ang National  Bureau of Investigation  (NBI) sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsa­gawa ng imbestigas­yon sa anumang ulat ng iregulari-dad sa mga lokal na pamahalaan habang nagpapatupad ng mga aksyon at programa na may kaugnayan sa ‘enhanced commu­nity quarantine’ (ECQ).

“Dir­ector Eric B. Distor has already ordered all regional and district offices  and all Manila operating divisions to conduct investigations on this in coordination with LGUs and other counterparts,” ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin.

Ito ay makaraang magbabala si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na magtatangkang gumawa ng anomalya sa halip na tapat na hatiran ng tulong ang mga nasasakupan.

Kabilang dito ang mga lokal na opisyal na masasangkot sa paglustay ng pondo, hoarding, pag-divert sa pera sa para sa paglaban sa coronavirus (COVID-19) sa ibang bagay at hindi pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan.

Sinabi ni Lavin na maaa-ring magsagawa sila ng imbestigasyon kahit na walang reklamo kung ipag-uutos sa kanila ng mga nakakataas.

“The NBI is investigating and filing charges against local government officials who willfully disregard, contravene, or violate natio­nal guidelines on community quarantine set by the IATF-EID (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases),” pahayag ni Duterte sa kanyang huling ulat kaugnay sa COVID-19. 

ERIC B. DISTOR NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with