‘Tulak’ timbog sa mahigit P150K shabu
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Arestado ang isang ‘tulak’ matapos makuhanan ng mahigit P154,360.00 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City kaha-pon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Randy Bergonio, 24, ng Sanciangco St. Brgy. Catmon ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:35 ng madaling araw nang magsa-gawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan ng buy-bust operation sa Dr. Lascano corner P. Aquino Avenue Brgy. Tugatog kontra sa suspek.

Nang iabot ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer kapalit ng marked money, agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang 29 transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 22.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P154,360.00 ang halaga at buy-bust money.

JESSIE TAMAYAO RANDY BERGONIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with