^

Metro

10 pa timbog sa overpriced na alcohol, surgical masks

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
10 pa timbog sa overpriced na alcohol, surgical masks
Ipinakikita ni Bureau of Customs (BOC) ang mga nasamsam, na face masks at ibang medical supplies matapos na salakayin ang ilang tindahan sa Sta Cruz, Manila. Nabatid na itinatago at sangkot sa hoarding ang tatlong kompanya na sinalakay kung saan dawit din ang mga ito sa mataas na bentahan ng face mask at thermal scanner.
Edd Gumban

MANILA, Philippines  — Kalaboso  ang 10 negos­yante na nagtitinda ng mga overpriced na alkohol at surgical masks sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa mga lungsod ng Maynila at Las Piñas City kamakalawa.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, alas-3:30 ng hapon nang madakip nila sa buy-bust operation sa may Raxabago Street cor. Juan Luna, Brgy. 151 Tondo ang mga suspek na sina Rose Ann Gaddi, 24; Cristina Samson, 34; Antonio Samson Jr., 36; Joanne Alejandro, at Andrea Nieves, 22.

Nabatid na lumapit sa MPD ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) para humingi ng tulong na madakip ang mga suspek na nag-aalok ng alkohol sa mas mataas na halaga sa social media.  Target ng operasyon si Gaddi ngunit nadakip din ang apat niyang kasamahan habang nakumpiska ang apat na kahon ng Family brand alcohol na may tig-15 piraso.  Nabatid na ibinibenta ang bawat isang litro ng alkohol sa halagang P500.

Alas-9:50 ng gabi naman nang maaresto sa isa pang operasyon ng MPD katuwang ang Intelligence Unit 300 ng Philippine Air Force (PAF)  sa may kanto ng Tayuman at G. Perfecto Street sa Brgy. 55 Tondo ang mga suspek na sina Mary Jane Aliga, 25, at Bob Cazzie Nellas, 36, driver.

Nakumpiska naman sa kanila ang nasa 150 galon ng isoprophyl alcohol at isang asul na Mitsubishi Adventure na gamit nila sa operasyon.

Sa Las Piñas City, inaresto sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Almanza 1 dakong alas-7:20 ng gabi ang suspek na si Harold Villanueva, 35, ng BF Martinville Subd., Brgy. Manuyo 2, makaraang magbenta ng walong galon ng alkohol sa mataas na halaga.

Sunod na nadakip sa isa pang entrapment ope­ration dakong alas-7:30 ng gabi sa may Alabang-Zapote Road sa Brgy. Almanza Uno ang mga suspek na sina Jay Bonn Agbulos, 36 at Brian Maglaya.  Nasabat sa kanila ang 120 kahon ng surgical masks na ibinibenta nila ng mas mahal.

Nahaharap ngayon ang mga nadakip na suspek sa mga kasong paglabag sa RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Act of 2020) at RA 7394 (Consumer’s act of the Philippines.

vuukle comment

JOANNE ALEJANDRO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION 1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with