^

Metro

Lola nasawi sa Taguig fire

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang  55-anyos na lola nang hindi na makalabas sa muling pagpasok sa nasusunog na bahay matapos iligtas ang kaniyang mga apo, sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Belen Benedicto, residente ng Block  4,  Lot 1 , Sumasipat St ., Brgy. Sta. Ana, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig City Bureau Fire Protection, dakong alas-8:54 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima .

Nagawa pang ilabas ng bahay ng lola ang kaniyang mga apo at bumalik ito sa loob upang iligtas din ang mga mahahalagang dokumento kung saan siya na-trap dahil sa  makapal ng usok.

Umakyat lang sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire-out alas 10:00 ng umaga at walang ibang bahay na naapektuhan dahil sa mabilis na responde ng mga pamatay sunog.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang mga ari-arian.

Wala namang iniulat na naapektuhan pang mga katabing bahay habang inaalam pa ng mga arson investigators ang halaga ng natupok na ari-arian.

vuukle comment

TAGUIG FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with