Ginawa nila ang akusas­yon mahigit isang linggo pagkaraang simulan ng mga pamahalaang lokal ng Malabon at Caloocan ang pamimigay ng mga food package kaugnay ng umiiral na enhanced community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng sakit na novel coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Edd Gumban/ File
Barangay execs inirereklamo sa relief goods
(Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Paboritismo umiiral sa pamimigay ng food packages

MANILA, Philippines  — Ilang mga residente sa mga lunsod ng Malabon at Caloocan ang nagpaparatang na pinipili umano ng mga barangay official ang mga pamilya o household na binibigyan ng food packages.

Ginawa nila ang akusas­yon mahigit isang linggo pagkaraang simulan ng mga pamahalaang lokal ng Malabon at Caloocan ang pamimigay ng mga food package kaugnay ng umiiral na enhanced community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng sakit na novel coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Personal na pinangasiwaan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa sports complex ng lunsod ang repacking ng mga pagkain na sapat para sa 2.5 milyong mamamayan pero sinasabi ng mga residente sa limang barangay sa district 2 na wala pa silang natatanggap na food packs mula sa city hall.

Ang mga masuwerteng nabisita ng kanilang mga barangay official ay nagsabing nakatanggap lang sila ng dalawang kilong bigas at dalawang lata ng sardinas.

Sinasabi pa ng mga residente ng naturang mga barangay na umiiral sa mga barangay official ang paboritismo dahil  ang mga kapalagayang-loob lang nila ang nakakatanggap ng food packages.

Sinabi naman ni Malapitan na naipamahagi na nila ang unang bulto ng relief goods pero “baka naantala ito dahil sa dami ng mga residente sa mga barangay.”

Gayunman, nagpaalala siya na ang konting relief goods na unang ipinamigay ay maaaring galing sa sari­ling bulsa ng mga barangay official.

Sa Malabon, nagpadeliber si Mayor Antolin Oreta III ng mga sako ng bigas at mga karton ng mga de-latang pagkain sa mga barangay official na dapat ipamahagi sa mga pinakamahihirap na mamamayan.

Ayon kay City Public Information Chief Bong Padua, ang mga naunang donasyon ay nagmula sa pondo ng lunsod pero naghanda na rin sila ng mga “Kalinga Bags” sa pamamagitan ng kanilang lokal na Department of Social Welfare and Development.

Binanggit niya na ipinamahagi din ni Oreta sa lahat ng barangay ang kani-kanilang shares mula sa local disaster fund na may kabuuang P11.5 milyon na gagamitin ng mga barangay executives sa pagbili ng mga pagkain para sa kani-kanilang mga constituents.

Sinabi naman ni Malapitan na minomonitor nila ang pamamahagi ng mga food packages sa pamamagitan ng kanilang social welfare department. Idiniin niya na kakasuhan nila ang mga tiwa­ling opisyal ng barangay kapag natapos na ang krisis.

Sinabi ni Padua na ang dalawang lunsod ay nababahala sa pamamahagi ng food packs. “Magkakaroon din ng panahon ng pagtutuos pagkatapos nito. Hahabulin namin ang mga opisyal na ito sa tamang panahon,” dagdag niya.

RELIEF GOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with