Ayon kay Zamora, nagsimula ang kanyang 14-day self-quarantine nitong Linggo, Marso 29, at magtatagal hanggang Abril 11.
STAR/ File
Mayor ng San Juan nagpa- quarantine
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nagpasya si San Juan Mayor Francis Zamora na mag-self-quarantine matapos na ma-exposed sa isang staff niya na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Zamora, nagsimula ang kanyang 14-day self-quarantine nitong Linggo, Marso 29, at magtatagal hanggang Abril 11.

Sinabi ng alkalde na nagpasya siyang sumailalim sa self-quarantine matapos na makumpirmang isang staff na nakahalubilo niya ang nagpositibo sa virus.

Tiniyak naman ng alkalde na maayos ang kanyang kondisyon at walang nararamdamang sintomas ng sakit.

Maayos rin naman aniya ang lagay ng kaniyang staff ngunit nagpasya na ring magpagamot.

Tiniyak naman ng alkalde na kahit naka-self-quarantine siya ay tuloy ang kanyang trabaho at monitoring sa lungsod upang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon.

FRANCIS ZAMORA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with