Pasig City kapos na rin sa health workers
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

PASIG, Philippines  — Maging ang mga pagamutan sa Pasig City ay kinakapos na rin sa mga health workers at human resources na mangangalaga sa mga residenteng dinadapuan ng sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay nito, nananawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga nurses at mga doktor na tumulong sa kanilang mga pagamutan. “Im thankful and proud of our doctors. Walang reklamo kahit sobrang pagod na. But the fact is, our city hospitals are nearing saturation point,” panawagan ng alkalde sa kanyang Twitter account. Nagbigay rin naman si Sotto ng email address na pasigcovidTF@gmail.com para sa mga nurse na interesadong tumugon sa kanyang panawagan, maging full time man o part time.  “If u’re a doctor/nurse who would want to work for the city (full/part time) pls,” dagdag pa ng alkalde.

VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with