“Bawat taong nakakasalubong nyo may COVID19”-Tiangco
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

“Bawat taong nakakasalubong nyo may COVID-19 at maiuuwi niyo ito sa inyong pamliya.”

Ito naman ang paalala ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga patuloy na pasaway habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine dahil na rin sa panganib na dulot ng novel coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Tiangco, ito ang nakikita niyang paraan para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 at pagtawid ng virus nito sa bagong host ay ang pananatili sa bahay.

“Isipin niyo na lang na ganito: Kapag aalis kayo sa bahay, bawat taong makakasalubong ninyo ay may COVID-19. Mas ma­tindi pa rito, maaari n’yong maiuwi ang virus sa inyong tahanan at mahawa ang inyong mga mahal sa buhay,” ani ­Tiangco.

Samantala, knumpirma rin ni Tiangco  na pumanaw na ang pasyente sa kauna-unahang  kaso ng COVID 19 sa lungsod.

Isinugod ang pasyente sa Navotas City Hospital (NCH) noong Marso 24 dahil sa hirap sa paghinga. Mayroon din siyang tuberculosis at namatay agad matapos ma-admit.

Aniya, ang pinakaunang COVID-19 casualty ay nani­nirahan sa mataong lugar. Sa nasabing lugar din maraming nahuhuli ang Task Force NavoDAMPOT na mga sumusuway sa home quarantine.

Ayon kay Tiangco, dahil inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga  COVID-19 patients, umaasa siya makikipagtulungan ang mga Navoteño sa panawagan na manatili sa bahay at sumunod sa enhanced community quarantine.

TOBY TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with