^

Metro

9 COVID patients sa Quezon City gumaling

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
9 COVID patients sa Quezon City gumaling
Hindi na rin kinakitaan ng dagdag na Covid-19 cases ang District 2 at District 5 sa nakalipas na 24 oras dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Quezon City.
Philstar.com/ Era Christ R. Baylon

QUEZON CITY , Philippines — Gumaling na mula sa kanilang karamdaman ang 9 na pasyente sa Quezon City na unang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Hindi na rin kinakitaan ng dagdag na Covid-19 cases ang District 2 at District 5 sa nakalipas na 24 oras dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Quezon City.

Bumaba na rin ang bilang ng nadagdag na Covid-19 cases sa lunsod na mula 15 additional cases nitong Biyernes ay pito na lamang kahapon ang dagdag na kaso o umabot sa 104 Covid cases mayroon sa lunsod.

Ang pitong dagdag na Covid 19 cases ay mula sa District 1- barangay Bungad 1, District 3 sa barangay E Rodriguez-1 at baragay San Roque-1, District 4-Barangay Teachers Village East-1 at Barangay Teachers Village West-1 at sa District 6 ay sa barangays New Era-1  at Pasong Tamo-1.

Nadagdagan naman na tatlo ang namatay sa Covid 19 sa Quezon City kaya umabot na sa 17 ang namamatay sa sakit sa lunsod.

May kabuuang 119 barangays ang na-disinfect ng lokal na pamahalaan at may 730,000 food packs na ang naipamigay sa mga residente ng lunsod.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with