Kinilala ng PNP Anti-Cyber­crime Group ang ­unang isa sa mga suspek na si Maria Diane Serrano (Maddie Serrano), isang residente mula Cabuyao City, Laguna matapos ang masinsinang imbestigasyon at beripikasyon ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A (CALABARZON).
AFP
4 na sangkot sa ‘fake news’, kinasuhan ng PNP
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao na pinaniniwalaang responsable sa pagpapakalat ng fake news at impormasyon  tungkol sa COVID-19 ang sinampahan na ng kasong kriminal ng  Philippine National Police ( PNP).

Kinilala ng PNP Anti-Cyber­crime Group ang ­unang isa sa mga suspek na si Maria Diane Serrano (Maddie Serrano), isang residente mula Cabuyao City, Laguna matapos ang masinsinang imbestigasyon at beripikasyon ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A (CALABARZON).

Ayon sa PNP-ACG, si Serrano ang responsable sa pagkakaroon ng panic sa lugar dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon para “patient positive for COVID-19 was admitted and died at the Global Medical Center Inc. of Cabuyao”, noong nakaraang Pebrero 2020.

Para naman sa iba pang insidente, nagsagawa ng fact-checking ang Regional Anti-Cybercrime Unit 7 (Central Visayas) at napag-alamang tatlong residente ng Lapu-Lapu City ang responsable sa pagpapakalat ng “unverified” at maling impormasyon sa COVID-19 outbreak.

Marso 26 nang magsampa ng kaso ang Lapu-Lapu City PNP at pamahalaang lungsod nito laban sa tatlong suspek na sina Fritz John Menguito, Sherlyn Solis at Mae Ann Pino sa Lapu-Lapu City Prosecutors Office.

Sinabi naman ng PNP-ACG sa Central Visayas na ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng batas at sasampahan ng kaso ang mga netizen na mahuhuling nagpapakalat ng fake news sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Unlawful Use of Means of Publication at Unlawful Utteran­ces sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code as Amended na may kaugnayan sa Sec 4c4 (Online Libel) at Section 6 ng Republic Act No. 10175, o Anti-Cybercrime Law.

Samantala, binigyang-diin ni PNP Spokesperson, Police Brig. General Bernard Banac na seryoso ang PNP na ituloy ang counter measures nito laban sa mga maling impormasyon sa pamamagitan ng cyber patrol operations at binabantayan nito ang lahat ng social media platforms.

Sinabi nitong nagbibigay ng ‘stiff penalties’ ang cyber­crime law sa mga taong mahuhuli na nagpapakalat ng maling ulat at hindi beripikadong impormasyon lalo na kung ginawa ang mga ito sa panahon ng national emergency.

FAKE NEWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with