Ang staff ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) na tumanggap ng donasyong tubig at dispenser buhat sa Manila Water Foundation.
Kaso ng COVID sa Quezon City umakyat na sa 97
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 97 ang kaso ng COVID- 19 sa Quezon City kahapon makaraang makapagtala ng dagdag na 10 kaso sa lungsod.

Ang 10 bagong mga kaso ng Covid 19 ay mula sa District 1- sa barangays Bahay Toro-1, Mariblo-1, San Isidro Labrador-2, San Jose-1 at West Triangle -1.

Sa District 2 – Brgy. Bagong Silangan -2, District 4 –Brgy. Dona Imelda-1 at District 6- Brgy.  Culiat -1.

Nadagdagan naman ng isa o nasa kabuuang 14 na ang namamatay sa QC dahil sa Covid 19.

Dalawa namang pasyente ang nakarekober o may kabuuang 9 katao na ang gumagaling na pasyente sa lungsod.

Patuloy namang hinahatiran ng pagkain at hindi pinalalabas ng kanilang tahanan ang mga nasa loob ng red zone o nasa extreme enhanced community quarantine sa Brgys.  Tandang Sora, kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo,  Central, San Roque, Paligsahan, BL Crame, South Triangle, Culiat at Bahay Toro. Ang mga lugar na ito ay lampas sa 2 ang kaso ng Covid 19 kaya naisailalim sa Red Zone.

Ang barangay Central ay naisama sa Red Zone area dahil sa mga ospital sa kahabaan ng East Avenue tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Heart Center, Lung Center, East Avenue Medical Center ay pawang may mga ginagamot na pasyente na may Covid 19.

Related video:

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with