Maaga pa lang ay tambak na ang mga nakapilang kostumer sa isang grocery store sa Araneta Avenue sa Quezon City kahapon.
Kuha ni Michael Varcas
NCRPO chief sa mga pulis: Human rights respetuhin
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Debold Sinas sa mga pulis sa  Metro Manila na respetuhin ang karapatang pantao ng mamamayan kasabay sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

“My instruction to my men is clear. Despite the implementation of policies relative to the community quarantine, due respect for the rights of our citizens must always be observed,”  pahayag ni Sinas.

Ang pahayag ay ginawa ni Sinas bilang reaksyon sa banta  ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD)  na babarilin niya ang mga pasaway na  lalabas sa kanilang bahay ngayong ipinaiiral ang community quarantine.

Tiniyak ni Sinas  sa publiko na hindi kukunsintihin ng NCRPO ang anumang pang aabuso na gagawin ng mga pulis habang sila ay nasa operasyon.

Anya ang insidente na kinasasangkutan ni Station 3 commander Police Lieutenant Colonel Reynaldo Magdaluyo ay iniimbestigahan na at kung mapatunayang nagkasala ay agad tatanggalin sa puwesto.

“Di pa naman siya relieved. Nag-iinquire pa ang District Director, sa social media kasi ‘yun nagviral kaya iniimbestigahan pa,” pahayag ni Sinas.

Nanawagan din si Sinas sa publiko na sundin ang  guidelines  na ipinatutupad ng pamahalaan sa panahon na naka  mandatory quarantine ang Metro Manila.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with