^

Metro

Clustering ng households para sa patas na ayuda sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihingi ng update sa bawat barangay si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa listahan ng bawat household upang matiyak na mabigyan ng ayuda ang lahat.

“Nais ko pong hingin ang inyong tulong upang ipasa ang karag­dagang listahan ng mga households na naninirahan (botante man o hindi) sa inyong barangay na hindi pa nakakatanggap ng ayuda mula sa ating lokal na pamahalaan,” ayon sa pahayag ni Mayor Emi sa isang memorandum.

Ang nasabing updated lists ay kailangang isumite kaagad o hindi lalagpas ng Marso 30, 2020 sa  Office of the City Admi­nistrator.

Sa memorandum, maaring ipinaliwanag na ang isang household ay binubuo ng isang grupo na magkakasamang naninirahan at nagsasalu-salo sa isang lutong pagkain at mayroon ding isang bahay na may-isa o higit pang household gaya ng pagkakaroon ng iba pang pamilya tulad ng pamilya ng anak na may-asawa na at mga anak; at ang bahay na may boarder o renter na maituturing ding isa pang household.

Dahil dito, mas makabubuti umano na gawan na lamang ng ‘clustering’ ang mga indibidwal na hanggang tig-apat na miyembro upang magkaroon ng sharing of resources para sa ayuda.

Lalagyan ng bilang ng miyembrpo ang bawat household at may nakalagay din kung sino ang head ng household.

Ani pa ni Mayor Emi: “Siguraduhin po nating ang tatanggap ng ating ayuda ay mga ‘warm bodies’ ng isang ‘household’ at sila ay nasa kanilang mga bahay pagpunta ng ating mga social workers at barangay officials upang maiwasan natin ang mga delay at aberya.”

vuukle comment

CLUSTERING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with