Kinilala ang mga suspek na sina Gemma Montalbo, 51, kagawad ng Brgy. 88, Pasay City; anak na si Eduardo Salvador, 24; at mga helper na sina Harvy Besa, 20 ; at John Paul Delos Reyes, 20, pawang residente ng Primero De Mayo St., Brgy. 88, Zone 9, Pasay City.
Edd Gumban
Brgy. kagawad, anak at 2 helper huli sa overpriced alcohol
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Timbog ang isang barangay kagawad, anak na lalaki at dalawang tauhan nito sa pagbebenta ng mahigit sa dobleng presyo ng isopropyl alcohol sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Gemma Montalbo, 51, kagawad ng Brgy. 88, Pasay City; anak na si Eduardo Salvador, 24; at mga helper na sina Harvy Besa, 20 ; at John Paul Delos Reyes, 20, pawang residente ng    Primero De Mayo St.,  Brgy. 88, Zone 9, Pasay City.

Sa ulat mula kay Pasay Police chief,  P/Colonel  Ericson Dilag, nag-ugat ang entrapment sa intelligence report na natanggap ng Air Intelligence and Security Wing  ng  PAF  at naberipika ng mga tauhan ni P/Captain  Deni Pedroso, hepe ng Pasay Station Intelligence Section.

Dakong alas 5:30 ng hapon nitong Miyerkules, nang nakabili kay Eduardo ng isang piraso ng  alcohol ang umaktong buyer sa halagang P185.00 gayung ang regular price lamang ay P74.00 dahilan upang siya ay dakpin.

Nagsilbi pa umanong look-out si Kagawad Montalbo kaya binitbit din at naniniwala ang mga awtoridad na ginagamit nito ang posisyon sa hoarding at selling ng overpriced na alcohol at mga helper na naroon sa oras ng entrapment.

 Nasamsam ang may kabuuang 504 piraso ng tig 500ml isopropyl alcohol sa mga suspek.

OVERPRICED ALCOHOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with