Dahil dito, ang domestic at international flights ng PAL sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ay isasara muna pansamantala.
Edd Gumban
International flights ng PAL suspendido simula ngayon
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng flag-carrier Philippine Airlines(PAL) na pansamantalang isususpinde nila ang kanilang international flights operations mula ngayon araw (Marso 26) hanggang Abril 14, 2020, dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga taong tinatamaan ng nakakahawa at nakakamatay na sakit na COVID -19.

Dahil dito, ang domestic at international flights ng PAL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay isasara muna pansamantala.

Gayunman, sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, pagkatapos pumasok ng lahat ng international aircraft ng PAL sa NAIA Terminal 2 ay agad niyang ipalilinis at ipapa-disinfect ang buong terminal gaya ng ginawa nila sa Manila Domestic Airport nang isara din nila ito.

Sa isang advisory ng PAL sinabi nitong “hindi na nila kayang alalayan ang limitadong bilang ng mga internasyonal flights” dahil maraming bansa ang nagpapatupad ng mahigpit sa paglalakbay at entry restrictions sa gitna ng pandemic.

Nauna ng inihayag ng PAL ang pagpapatigil ng lahat ng kanilang domestic flights noong Marso 17, 2020.
Sabi ng PAL, may pagbagsak sa demand para sa travel at ang kompanya ay nahaharap sa “patuloy na hamon” na patungkol sa mga tauhan ng Manila airport hub sa gitna ng enhanced communtiy quarantine na ipinataw sa buong Luzon.
Malamang ipagpatuloy ng PAL ang kanilang operas­yon sa Abril 15, kumporme sa global public health kondisyon at travel environment.

NAIA PAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with