KADAMAY binalaan ng NCRPO
Kaugnay ito sa isinagawang ‘Noise Barrage Protest” sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, Quezon City na nagsimula alas-5:00 ng hapon at kusang nagdisperse alas-5:45 ng hapon.
STAR/File
KADAMAY binalaan ng NCRPO
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2020 - 12:00am

Home quarantine na, nagrali pa

CEBU, Philippines — Binalaan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko, at anumang samahan kabilang ang grupong KADAMAY na aarestuhin at kakasuhan ng breach of the peace kung magsasagawa ng kilos-protesta tulad ng noise barrage sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

 “It is mandate to maintain order and peace but when peace is breached during protests, we are ready to apply the rule of law”, ani NCRPO chief, Police Major General Debold Sinas.

Kaugnay ito sa isinagawang ‘Noise Barrage Protest” sa Sitio San Roque, Brgy.  Pag-asa, Quezon City na nagsimula   alas-5:00 ng hapon at kusang nagdisperse alas-5:45 ng hapon.

Bahagi aniya ng nationwide monito-ring of sectoral/mass movements ang pagpapanatili ng peace and order sa Metro Manila ang pagbabawal sa tulad ng ginawang pag-iingay sa komunidad.

 Sa imbestigasyon, nasa 60 katao ang lumahok sa nasabing pagkilos ng mga residente ng Sitio San Roque at  KADAMAY group na pinangunahan nina  Ricky Indicio, Inday Bagasbas at JM Atienza.

 Kinokondena nila ang ipinatutupad na quarantine at mass testing dahil hindi umano ito solusyon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang ang dala nilang banner at placard naman ay nakalagay ang “Proteksiyunan ang kalusugan at kabuhayan” at nanghihingi ng mga bitamina at iba pang proteksiyon sa kalusugan.

 Nakiusap naman si Sinas na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay ang residente kung nais nilang maging ligtas sa COVID-19 sa halip na sumali sa protesta.

 “We urge our people to keep themselves safe by staying at home and refrain from being on the roadside in order to prevent the spread of the highly contagious virus”, ani Sinas.

KADAMAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with