“Pansamantala naming pinatigil ang ilang mga transaksyon sa Luzon at downgrading ng aming workforce upang matiyak ang pagsunod sa mahigpit na social distancing measures.,” sabi ni Morente.
Bureau of Immigration Facebook Photo
Ilang transaksyon ng BI, sinuspinde
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pansamantalang pagsuspinde sa ilang mga transaksyon sa BI office sa Luzon, maliban sa mga papalabas na pasahero na aalis ng bansa, kasunod ng memorandum enhanced community quarantine at stringent social distancing measures ng malacañang.

Ang transaksyon ay kasama ang tourist visa extension para sa mga dayuhan na i-stranded sa bansa.

“Pansamantala naming pinatigil ang ilang mga transaksyon sa Luzon at downgrading ng aming workforce upang matiyak ang pagsunod sa mahigpit na social distancing measures.,” sabi ni Morente.

Ang ibang mga transaksyon na sinuspinde ay ang filing at hearing of applications for extension or conversion to non-immigrant or immigrant visa, dual citizenship, downgrading of visa status, special work permit or provisional work permit, renewal of ACR I-Cards, at implementation of approved visa applications for extension or conversion.

Ayon kay Morente, ang lahat ng mga alien na ang visa na mapapaso sa panahon ng itatagal ng enhanced community quarantine ay pahihintulutang magpasa ng kanilang aplikasyon para sa extension, sa kondisyon na sila ay mag-file nang kanilang mga aplikasyon sa loob ng tatlumpung araw mula sa lifting ng enhanced community quarantine.

 

BI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with