Friendship Suites na may 3 gusali gagawing isolation center sa Makati
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gagawing isolation center ngayon ang tatlong gusali ng Makati Friendship Suites na pag-aari ng Makati City Government para sa mga hinihinalang  COVID-19  cases .

 Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na iko-convert ang mga bakanteng silid na dating dormitoryo ng mga estudyante.

 Mangangailangan din sila ng 30 nurse o higit pa  sa oras na fully-operational na ang isolation center.

 Nakatanggap din ng mga donasyong 5,000 3M N95 masks at 5,000 COVID-19 diagnostic test kits ang lokal na pamahalaan na, bukod pa ito sa bibilhin ding sariling face masks at test kits. Mamimigay naman sila sa mga frontliners na mga tauhan ng Department of Health (DOH).

 Ang naitala aniya sa Makati ay 14 na COVID-19 confirmed cases; persons under monitoring (PUM)  ay nasa 34; at 52 ang persons under investigation (PUI) habang ang  nasawi ay dalawa at hindi umano kasali ang isa pang inireport ng Department of Health (DOH) na COVID-19 positive sa isang ospital sa lungsod dahil hindi naman residente doon.

 Pinayuhan din ang mga residente na huwag na lumabas ng bahay kung hindi naman mahalaga o may pangangailangan at sakaling aalis ng bahay, lalo na kung magtutungo sa maraming tao tulad ng palengke at grocery na huwag magsama ng bata.

 Aniya, masasayang lang ang pagpunta sa grocery o supermarkets dahil napag-usapan na sa isinagawang meeting sa mga may-ari ng supermarkets at groceries na hindi papapasukin kung may kasamang bata

ABBY BINAY COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with