Marikina magtatayo ng sariling lab testing center

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na magtatayo sila ng sariling laboratory testing center sa kanilang lungsod para matiyak ang early detection ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na unti-unting kumakalat ngayon sa bansa.

Sinabi ni Mayor Teodoro na nakipag-partner sila sa Manila Health Tek, Inc. para sa pagbili ng mahigit 3,000 coronavirus testing kits sa sandaling ma­ging available na ang mga ito.

Ayon sa alkalde, makatutulong ang maagang detection sa sakit para mapayapa ang kaisipan ng mga residente at hindi na lumubha pa sa kanilang kondisyon.

Maaagapan din aniya ang higit pang pagkalat ng karamdaman kung agad na malulunasan ang mga taong matutukoy na may taglay nito.

COVID-19 MARIKINA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with