Nasabat ng mga tauhan ng Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 1,073 piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalaga ng nasa P1.9 milyon buhat sa Netherland.
Rudy Santos
Bebot timbog sa P1.9 milyong ecstasy
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae nang kunin nito ang dalawang pakete na naglalaman ng 1,073 pirasong iba’t - ibang klase ng ecstasy na nagkakahalaga ng P1.9 milyon sa Central Mail Exchange Center, Pasay City galing sa Netherland. 

Kinikala ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang nadakip na suspek na si Kim Fuentes residente ng  Makati City.

Ayon kay Talusan, dumating ang dalawang pakete sa koreo noong Feb 27., na ipinadala ng isang Peter buhat  Netherlands na idineklarang candy pero isiningit dito ang higit sa isang libong pirasong ecstasy.

Ayon kay Talusan, dumating ang claimant na si Fuentes para kunin ang mga pakete na  lingid sa kaalaman ng suspek na alam na ng mga awtoridad ang laman ng parcels. 

Nakatakda nang sampahan ng mga awtoridad ng kaukulang kaso ang suspek matapos ilipat ito sa PDEA.

ECSTASY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with