Malaysian national pinigil sa NAIA
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni NAIA-BOC District Collector Carmelita Talusan, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng kanyang passport na si Gan Kang Hsiung, 32, tubong Kota Kinabalu, Malaysia.
Malaysian national pinigil sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2020 - 12:00am

May dalang higit P1 milyong Cash

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang isang Malaysian national matapos na magdala ng mahigit isang milyon piso pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 galing Malaysia, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni NAIA-BOC District Collector Carmelita Talusan, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng kanyang passport na si Gan Kang Hsiung, 32, tubong Kota Kinabalu, Malaysia.

Ayon sa ulat ng Customs authority, dumating ang dayuhan sa NAIA terminal 3 kama­kalawa alas-9:30 ng gabi lulan ng Air Asia flight Z2-502 galing sa nasabing bansa.

Habang nakapila sa Customs arrival area ay napuna ng isang Customs exami­ner ang suspek kasama ang dalawang lalaki na hindi mapalagay sa kanilang pila kaya’t nagduda ang mga awtoridad dahilan upang suriin nila ang dalang bagahe ng pasahero.

Sa tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement Security Service (ESS) operatives ay nadiskubreng nag-iingat ng tig-P1,000 bills at 500 peso bills na umabot lahat sa halagang 1.1 milyon piso.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang importation at exportation ng ganitong halaga ng Philippine currency alinsunod sa ilalim ng BSP Advisory on Cross-Border Transfer of local and foreign currencies

BOC NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with