Lolo lasog sa tren
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lasog ang isang lolo makaraang masagasaan siya ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa may Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi ang biktimang si Edilberto Dela Rosa, 65,  ng  Algeciras Street, Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa riles ng tren sa may kanto ng Algeciras at Fajardo Street sa Sampaloc. 

Nabatid na tumatawid sa riles ang matandang biktima nang mahagip ng tren na ga­ling sa España at patungong Tutuban.

Ayon sa mga saksi, tinangka pa ring tumawid ng biktima sa riles sa kabila na alam na paparating ang tren.  Tuluyan siyang nahagip ng tren at makaladkad ng ilang metro na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa punerarya habang nagsasagawa ng dagdag na imbestigasyon ang pulisya.

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with