Mga pulis na dawit sa âfake newsâ sa narcolist sinisilip ng PNP
Sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na hindi nila inaalis ang posibilidad na ang ilan sa 356 pulis na nasa narcolist ay biktima ng ‘fake news’.
STAR/File
Mga pulis na dawit sa ‘fake news’ sa narcolist sinisilip ng PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pananagutin ng Philippine National Police (PNP) ang mga binansagang ‘troll cops’ na nagbigay ng pekeng impormasyon o balita laban sa mga kasamahan nilang  pulis na nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na hindi nila inaalis ang posibilidad na ang ilan sa 356 pulis na nasa narcolist ay biktima ng ‘fake news’.

Ayon kay Banac, una ay naka-krus ng landas ng mga pulis na nasa drug watchlist sa pagtupad ng mga ito ng tungkulin  ang mga sindikato  ng ilegal na droga at bilang ganti ay gumawa ng maling kuwento na sangkot ang naturang mga inaakusahang parak sa illegal drug trade.

Ang nasabing teorya ay una ng pinalutang ni dating PNP Chief at ngayon ay Senador Ronald ‘ Bato’ dela Rosa sa pagkakasangkot ng poster boy na si Col. Jovie Espenido sa drug watchlist.

Idinepensa ni dela Rosa ang integridad ni Espenido at pinagsabihan ang liderato ng PNP na alamin din ang mga nasa likod ng mga organisasyon sa pulisya na nagbibigay ng maling intelligence reports.
Inihayag ni Banac na kabilang din sa kanilang sinisilip ay  professional jealousy o inggitan sa trabaho kung saan sinisiraan ang mga kapwa nito opisyal ng PNP na sagabal at banta sa kanilang ambisyon.

“It is possible that some are indeed fabricating and spreading fake news over personal grudge or personal motives,” ayon pa kay Banac.

Idinagdag pa nito na ito ang dahilan kung bakit maingat silang huwag munang tukuyin ang mga pangalan ng 356 narco cops habang hindi pa naba-validate para alamin ang katotohanan.

Inihayag ni Banac na kapag natapos na ang adjudication process  at ipopokus nila ang kanilang atensyon sa mga pulis na nalinis ang mga pangalan sa drug link.

Nabatid na sa Marso 5 ay matatapos na ang resulta ng adjudication  laban sa 356 pulis na isinasangkot sa droga at isusumite na nila ito kay Pangulong Duterte.

Samantalang sa mga napapawalang sala sa imbestigasyon ay aalamin ng PNP kung paano napalagay ang mga pangalan sa drug list.

FAKE NEWS NARCO LIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with