Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Antonio Teves Jr., 44, stay-in sa Kalentong Market 2, dahil sa mga saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang arestado naman ang suspek na si Arnold Gayo, 45, matadero.
STAR/File
Baker todas, pinagsasaksak ng matadero
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Todas ang isang baker nang pagsasaksakin ng isang matadero matapos na magkapikunan at mag-away habang naglalaro ng bilyar sa Brgy.  Pag-asa, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Antonio Teves Jr., 44, stay-in sa Kalentong Market 2, dahil sa mga saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang arestado naman ang suspek na si Arnold Gayo, 45, matadero.

Batay sa ulat ng Manda-   luyong City Police, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng Pats Store, sa Kalentong Market 2, na matatagpuan sa Gen. Kalentong Street, Brgy. Pag-asa.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang krimen ay naglalaro umano ng bilyar ang dalawa sa ikalawang palapag ng palengke, kung saan sila kapwa stay-in workers.

Habang naglalaro ay nagkapikunan umano ang dalawa at naghamunan ng suntukan.

Bumaba umano sila ng palengke at nagsuntukan ngunit maya-maya ay umalis ang suspek at kumuha ng kutsilyo at sinaksak ang biktima.

Nakita naman umano ng security guard na si Juanito Julio ang pangyayari kaya’t kaagad na inaresto ang suspek habang isinugod naman ng mga rumespondeng tauhan ng DRRMO ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

MATADERO SAKSAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with