Umabot sa may Monumento sa Caloocan City habang apektado rin ang MacArthur Highway, Samson Road at Rizal Avenue Extension sa mabigat na trapiko nang ipasara ng Metropolitan Manila Development Autho-rity ang dalawang lane sa EDSA-Balintawak. Umabot din sa bungad ng North Luzon Expressway ang pagbubuhol ng trapiko.
Michael Varcas/File
Kilo-kilometrong trapik naranasan sa Balintawak
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Sa konstruksyon ng Skyway 3 project

MANILA, Philippines — Matinding pagbubuhol ng trapiko ang naranasan ng mga motoristang buhat sa Northern Metro Manila partikular sa Southbound lane ng EDSA dahil sa kons­truksyon ng Skyway 3 Project sa may Balintawak, Quezon City.

Umabot sa may Monumento sa Caloocan City habang apektado rin ang MacArthur Highway, Samson Road at Rizal Avenue Extension sa mabigat na trapiko nang ipasara ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) ang dalawang lane sa EDSA-Balintawak.  Umabot din sa bungad ng North Luzon Expressway (NLEX) ang pagbubuhol ng trapiko.

Nitong Pebrero 24 ng gabi inumpisahan ang pagsasara ng dalawang southbound lane para sa pagtatayo ng ‘inter-connection flat tower’ sa ibabaw ng EDSA-Balin-tawak Bridge.

Nagpatupad naman ang mga tauhan ng MMDA ng ‘stop and go scheme’ para sa mga sasakyang paakyat ng Cloverleaf at sa mga galing ng Caloocan patungo ng Quezon City.

SKYWAY 3 PROJECT TRAFFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with