“Isa ring nakasasagabal sa ating mga lansangan ay ang mga nakahambalang na sasakyan na kung saan-saan na lang tumitigil at pumaparada. Ang mga ille­gally parked vehicles ay kailangang i-tow at dalhin sa impounding area. It is, therefore, incumbent upon cities and municipalities to designate impounding areas for the safekeeping of towed vehicles,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.
STAR/File
Maglaan ng impounding areas para sa mga illegally parked vehicles
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

LGUs inatasan ng DILG

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na malinis ang mga lansangan sa mga road obstructions, inatasan ng Department of the Interior and Local Go-vernment (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na magtalaga ng mga impounding areas para sa mga na-tow o nabatak na sasakyan na ilegal ang pagkakaparada.

“Isa ring nakasasagabal sa ating mga lansangan ay ang mga nakahambalang na sasakyan na kung saan-saan na lang tumitigil at pumaparada. Ang mga ille­gally parked vehicles ay kailangang i-tow at dalhin sa impounding area. It is, therefore, incumbent upon cities and municipalities to designate impounding areas for the safekeeping of towed vehicles,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Sa pamamagitan ng Me­morandum Circular 2020-031, sinabi ni Año na ang mga lungsod at bayan ay may mandato na magtatag ng impounding areas para paglagakan ng mga illegally parked vehicles, gayundin ang mga sangkot sa aksidente o kaya ay nasira habang nagbibiyahe.

“Ang pagtatalaga ng impounding area ay mandato sa ating mga siyudad at bayan. Kailangan nating umaksyon para sa mas maluwag na daan, mas mabilis na daloy ng trapiko, at para sa kapakanan ng publiko,” aniya pa.

Nanawagan din naman ang kalihim sa mga Sanggunian na magpasa ng ordi­nansa na nagbibigay ng mga panuntunan sa towing, impounding at pagre-release ng mga impounded vehicles, gayundin sa pagpapataw ng kaukulang penalty sa mga ito.

Samantala, ayon naman kay Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga tricycle na mahuhuli ng mga LGUs na nag-o-operate sa national highways ay dadalhin din sa mga naturang impounding areas.

ILLEGALLY PARKED VEHICLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with