Prinisinta ng PNP-Anti Kidnapping Group ang naarestong Chinese at driver bodyguard nito matapos kidnapin ang dalawang POGO workers na piniit nila sa Clark Pampanga.
Kuha ni Boy Santos
2 Chinese POGO workers nasagip, 2 kidnaper tiklo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese na manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nasagip ng mga elemento ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) habang nasakote naman ang dalawa nilang kidnappers kabilang ang isang dating sundalo sa isinagawang operasyon sa Clark Field, Pampanga Lunes ng gabi.

Kinilala ni PNP-AKG Director P/Brig. Gen. Jonnel   Estomo ang mga nasagip na bihag na sina Chenger Qiang at Zhoang Song Qin.

Ang mga ito ay iniharap sa mediamen sa tanggapan ng PNP-AKG sa Camp Crame kung saan sinabi ng mga ito na sinaktan sila ng kanilang mga abductors kung saan ipinakita pa sa media ang tinamo nilang mga galos at pasa sa katawan.

Arestado naman ang mga suspect na sina Zhu Li, isa ring Chinese at Julius Gangan Tumolva, Pinoy at isang dating sundalo na nag-AWOL (Absence Without Official Leave) simula noong 2004.

Bandang alas-6 ng gabi nang magsagawa ng rescue operation ang PNP-AKG operative sa Fontana Leisure Park sa CM Recto, Mc Arthur at Tower 2, Xenia Hotel, Dongwang Ode Clark; pawang sa Clark Field, Pampanga.

Sinabi ng opisyal, inilunsad ang operasyon matapos na humingi ng tulong sa PNP-AKG ang mga kaibigan ng mga biktima na sina Lou Liqiang at Zhejiang hinggil sa pagdukot sa mga biktima noong Pebrero 22 ng taong ito kung saan ang mga bihag ay dinala sa Clark Field ng lalawigan.

Agad na nagsagawa ng magkasunod na rescue operation ang PNP-AKG operatives sa nabanggit na mga lugar kung saan itinago ng mga kidnappers ang mga bihag.

Nakumpiska sa operasyon ang isang cal. 45 Armscor pistol, apat na magazine na may anim na bala, dalawang posas at isang patalim. Nabatid pa na ang mga suspect ay humihingi ng malaking halaga sa pamilya ng mga biktima kapalit ng kalayaan ng mga ito.

CHINESE POGO WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with