Isang wreath-laying ceremony at misa ang idinaos sa ika-34 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa EDSA shrine, Quezon City kahapon. Tahimik ang naging seleb­rasyon at kapansin-pansin na kakaunti lang ang mga du­malo at nakiisa sa isinagawang aktibidad.
Boy Santos
Pagdiriwang sa anibersaryo ng EDSA People Power mapayapa – PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

Taliwas sa inaasahan kaunti ang dumalo

MANILA, Philippines — Generally peaceful!

Ito ang assessment sa pangkalahatan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ginanap na paggunita sa ika-34 na ani­bersaryo ng EDSA People Power.

“The 34th EDSA People Power Anniversary rites and commemoration has turned out to be peaceful and orderly with no major untoward incident monitored or reported”, pahayag ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac  na siyang assessment  ng PNP base sa kanilang monito-ring hanggang alas-3 ng hapon.

Sinabi ni Banac na nana-ti­ling nakaalerto at vigilante ang PNP upang mapigilan ang anumang krimen at magresponde sa mga oras ng pangangailangan.

Sa panig naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at People Power Commission Vice Chairman Joey Concepcion, sinabi nito na  mahalagang mapanatiling buhay ang diwa ng EDSA dahil sa patunay lang ito na buhay pa rin ang demokrasya sa bansa.

Sinabi pa ni Concepcion na may mas malaki silang pinaplanong selebrasyon para sa susunod na taon kasabay ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Kabilang sa mga personalidad na dumalo sa misa ay sina dating DSWD Sec. Dinky Soliman, da-ting OPAPP (Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ) Sec. Ging Delez, dating Budget Sec. Butch Abad, dating CHED  (Commission on Higher Education) Chairwoman Patricia Licuanan.

Gayundin ang singer na si Leah Navarro at Public Relations Specialist na si Rely German subalit kapansin-pansin na wala ni isang bakas ng pamilya Aquino sa misa.

Samantala, taliwas sa inaasahan konti lamang ang bilang nang dumalo at nakiisa sa aktibidad ng selebrasyon.

Sa kabila ng walang pasok sa paaralan ng mga estudyante at ilang manggagawa sa kanilang trabaho dahil sa holiday ay mabibilang lang ang nakiisa sa anibersaryo, na taliwas sa inaasahan lalu na nga’t may mga isyu na ibinabato sa pamahalaan.

Idinahilan na lamang ng National Historical Commission of the Phi-lippines (NHCP), na kaya ka­unti ang bilang ng mga makikilahok sa selebras­yon ay dahil sa pangamba sa COVID-19.

Nabatid na simpleng flag-raising ceremony lamang ang inihanda sa EDSA People Power Mo-nument.

Ayon sa NHCP, ang tema ng selebrasyon nga­yong taon ay EDSA 2020: Kapayapaan ng Bayan, Simbolo ng Kalayaang Ipi­naglaban.

Sa panig naman ng seguridad, maaga pa lamang ay nakadeploy na ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa palibot ng Edsa para magtiyak ng kaligtasan ng mga dumalo sa selebras­yon. Mer Layson

EDSA PEOPLE POWER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with