Ginang na brgy. kagawad, itinumba ng tandem
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Todas ang isang misis na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Noemi Balderama-Agcaoili­, 55, at residente ng E. Boni Serano, Bagong Barrio, Brgy. Lipunan Quezon City. Siya ay nagtamo  ng maraming  tama ng bala ng .45 caliber sa ibat- ibang katawan.

Si Agcaoili ay nare-elect na barangay kagawad noong 2018 elections kahit pa nga siya ay isinama ng law enfor­cers sa narcolist ni Pangulong Digong.

Itinanggi naman ito ng kagawad kung saan kumasa pa sa drug test challenge ng pulisya isang linggo bago ang halalan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSG Julius P Raz ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong alas-8: 30 ng gabi nang pagbabarilin ang kagawad sa loob ng  tahanan nito.

Ayon sa isang testigo, nakaupo umano sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa lugar nang makita niya ang riding-in-tandem na tumigil sa  tapat ng bahay ng kagawad.

Mabilis na pumasok sa tahanan ng kagawad ang mga suspek at pagkatapos ay doon na siya nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Ilang sandali lamang ay nakita niyang mabilis na lumabas ang mga salarin at agad na sumakay sa dalang motorsiklo saka tumakas.

Agad namang dumating ang mister ng kagawad na si Gerardo at isinugod ang duguang misis  sa Cardinal Santos Medical Center suba­lit binawian din ito ng buhay bandang alas-10:02 ng gabi.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang mga salarin.

KAGAWAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with