9 wanted na Japanese, idineport
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineport na sa kanilang bansa ang siyam sa  36 na Hapones  na umano’y mi­yembro ng sindikato na nagtatago sa bansa.

Ang unang batch na grupo ng Japanese nationals na pinabalik sa kanilang bansa  ay sakay ng Japan Airline flight 746, ang mga ito ay unang naaresto sa Makati City matapos umanong magpanggap na pulis para makapangikil sa kanilang mga biktima.

Mga kapwa rin nila Hapones ang binibiktima ng grupo, na naaresto ng mga ahente ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration sa isang hotel sa Makati City.

Lahat ng mga naaresto, pawang mga turista base sa kanilang mga passport at positibong kinilala na mga puganteng hinahanap ng mga awtoridad sa Japan.

Hindi tulad ng ibang dayuhang sindikato sa call center, imbes na computer, cellphone ang gamit ng mga naarestong Hapon. 

Nakuha sa kanilang lamesa, ang mga kopya ng listahan ng kanilang mga biktima at telepono sa Japan.

Meron din silang “script” na ginagamit sa pagpapanggap na Japanese Police para makapangikil  sa kanilang mga kababayan.

Tatakutin ng sindikato ang kanilang bibiktimahin at sasampahan ng kung anu-anong kaso kung hindi makikipag-areglo.

Ang iba sa naaresto ay nakatakda na ring ideport sa mga susunod na araw.

JAPANESE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with