^

Metro

3 drug suspect tiklo sa P3.4 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 drug suspect tiklo sa P3.4 milyong shabu
Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakumpiskahan ng may P3.4 milyong halaga ng shabu ang tatlong tao na naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Novaliches kamakalawa.

 Kinilala ni QCPD Director, PBGen Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Karen Leal, alyas “Michelle”, 32; John Rhens Timing, 20; at Jason Ymalay, 26, pawang residente ng Novaliches.

 Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches.

 Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek kaya kaagad na nagkasa ng operasyon.

 Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Timothy Aniway Jr.; Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ng PLTCOL Jeffrey Bilaro at ng PDEA, ang lugar kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer.

 Nang makabili ng kalahating milyong pisong halaga ng shabu mula sa mga suspek ay kaagad nang isinagawa ang pagdakip sa mga ito.

 Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may kalahating kilo ng shabu na may street value na P3.4 milyon at ang cellular phone na ginamit nila sa pakikipagnegosasyon.

 Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with