^

Kelot itinumba sa ilalim ng tulay sa Quiapo

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agad na nasawi sa isang barilan ang isang hindi pa kilalang lalaki na duguang nakahandusay sa ilalim ng Que­zon Bridge sa bahagi na malapit sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima sa edad na 35-40, nakasuot ng checkered na shortpants at kumbinasyong stripe na itim at pink na sando.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Master Sgt. Jansen San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:53 ng madaling araw nitong Linggo nang maganap ang pamamaril sa nasabing lugar.

 Nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril ang ilang opisyal ng Barangay 306 kaya  luma­bas sila at ina­lam kung saan nagmula.

 Nadatnan na lang ang nakahandusay na duguang biktima at walang ibang tao kaya hindi tukoy  kung ilan ang salarin.

 Ayon sa Scene of the Crime Operatives (Soco), nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima.

 Agad na ipinalaam sa MPD-Station 3 ang insidente  na inimbestigahan ng Homicide Section.

QUIAPO QUINTA MARKET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with