^

Metro

Mag-ina niratrat sa loob ng sasakyan, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina niratrat sa loob ng sasakyan, patay
Ayon sa ilang testigo, sakay ang mga biktima ng kanilang SUV na minamaneho ni Brenda papasok na sana sa gate ng kanilang tahanan nang sumulpot ang suspect na noon ay nakaabang sa labas ng kanilang bahay at pagbabarilin ang mga biktima.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 93-anyos na lola at ang kanyang anak ang pinagbabaril  at napatay, habang sugatan naman ang kaanak nito ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang mga biktima ay sakay ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt.Col. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang nasawing mag-ina ay sina Emilia Rumor, 93 at Brenda Rumor, 62, kapwa residente ng Cerilo St., Brgy.  Holy Spirit, QC. Sugatan naman ang kaanak nila na si Nancy Rumor Johnson.

Nabatid mula kay  P/SSgt. Zaldie Notarte ng Batasan Police Station (PS6), ang krimen ay naganap dakong alas-8:58 ng gabi makaraang pagbabarilin ng armadong suspek ang tatlong biktima sa loob ng sinasakyang puting Mitsubishi Montero.

Ayon sa ilang testigo, sakay ang mga biktima ng kanilang SUV na minamaneho ni Brenda papasok na sana sa gate ng kanilang tahanan nang sumulpot ang suspect na noon ay nakaabang sa labas ng kanilang bahay at pagbabarilin ang mga biktima.

Mabilis namang tumakas ang gunman na nakasuot ng black jacket, nakasumbrero  at brown face mask.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala ng .45 kalibre ng baril.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad.

vuukle comment

ELMER MONSALVE

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with