Paghahanap sa Muslim students sa Metro Manila, peace initiatives, ‘di profiling - NCRPO
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bahagi umano ng ‘peace initiatives’ mula sa Salaam Police Center at hindi profiling para sa pinaigting na counter-terrorism campaign ng pamahalaan ang pag­hahanap ng mga pulis sa mga estudyanteng Muslim sa Metro Manila.

Ito ang nilinaw kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Debold Sinas  sa mediamen.

“It was not for profiling but for the purpose of statistics for the Salaam Police Center, it was established to “oversee the diverse cultural differences and concerns, especially in the aspect of safety and security”, pahayag ni Sinas.

Ayon kay Sinas, walang dapat ikabahala ang pamilya ng mga estudyanteng Muslim dahilan nais lamang ng NCRPO na magkaroon ng updates  sa statistics o bilang sa listahan ng mga ito sa Metro Manila.

Ginawa ni Sinas ang pahayag matapos na umalma ang ilang sektor laban sa umano’y profiling sa paghahanap ng mga pulis sa mga estudyanteng Muslim sa high school, mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.

Una rito, nag-leak ang Memorandum sa lungsod ng Maynila na nilagdaan ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen.Bernabe Balba na nag-uutos sa mga police commanders na mag-update sa listahan ng mga estudyanteng Muslim sa kanilang nasasakupan.

Binigyang diin ni Sinas na ang kanilang ginagawa ay bahagi lamang ng hangarin na magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga estudyanteng Muslim at mga pulis.

Aniya, kabilang din umano ito sa kampanya ay upang mapigilan na  mapasali o sumapi sa   extremism tulad ng mga teroristang jihadists na nagre-recruit ng mga kabataang Muslim ang mga estudyante kaya’t mas mabuting magkaroon ng close monitoring sa mga ito.

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with