Ang suspect na si Jay-Ar Fortuno Lim na nagpapanggap na pulis makaraang maaresto ng NBI nang pagbantaan ang buhay ng kanyang landlady sa Para­ñaque City.
Kuha ni Edd Gumban
Pekeng parak, huli ng NBI
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

Landlady pinagbantaan ang buhay

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang nagpapanggap na pulis matapos isuplong ng  landlady sa pagbabanta sa kaniyang buhay nang singilin sa upa ng bahay at lote, sa Parañaque City, ayon sa ulat kahapon.

Ito’y matapos na matukoy ng NBI sa isinagawang beripikasyon na hindi miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek na kinilalang si Jay-Ar Fortuno Lim, na nahaharap na sa reklamong paglabag sa Section 31 ng Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority) dahil sa pagbibitbit ng baril at pagpapakilalang commissioned police officer.

Reklamo ng di pinangalanang babaeng complainant, nagpakilalang miyembro ng PNP-CIDG ang suspek at inupahan ang isang residential house at bakanteng lote niya na binayaran ang upa ng post-dated checks.

Nang isangguni ng complainant sa suspek na gusto niyang mailipat ang titulo ng lupa sa pangalan ng kaniyang mga anak mula sa first owner ay inalok siya na tutulungan at gagastusan muna ang proseso na aabot sa P600-libo at sa paunang bayad ay nakapagbigay na ng P260-libo ang complainant.

Samantala, nang i-encash na ng complainant ang post dated checks na ibinayad ng suspek sa upa ay tumalbog ito kaya nagbayad na lang ng cash at binawi na ang mga tsekeng inisyu hanggang sa hindi na umano magbayad ng upa ang suspek.

Kinompronta din ng complainant ang suspek nang makitang nagpapatayo ng bahay sa inupahang bakanteng lote na walang paalam hanggang sa taasan na siya ng boses at nagpakita pa ng baril sa bag at isinukbit sa beywang na ikinabahala ng complainant.

Binantaan pa ang complainant na kung hindi makukumpleto ang P340,000 balanse sa proseso ng paglilipat ng titulo ng lupa ay may masamang mang­yayari sa kaniya at mga anak.

Sa takot, idinulog sa NBI ang insidente na sa huli ay nakakuha pa ang NBI ng outstanding warrant ng kasong carnapping laban sa suspek kaya agad siyang inaresto.

Nang tanungin kung bakit may sukbit na baril ang suspek ay nagsabing isa siyang pulis na wala namang maipakitang permit to carry firearm.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with