“Gift Giving Project” para sa mahihirap na pamilya, inilunsad ng Motortrade
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maibalik sa publiko ang ibayong pagtangkilik sa kanila, isang ‘gift giving project’ ang inilunsad kahapon sa Makati City ng Motortrade Nationwide Corporation kung saan bibigyan ng ‘food packs’ ang mga pinakamahihirap na pamilya sa bawat branch nila sa buong Pilipinas.

Inilunsad kahapon sa Motortrade-Sen. Gil Puyat Avenue Branch sa Makati ang “Sa Motortrade, Alaga Ka Dito” gift giving na tatagal hanggang Pebrero 29 sa lahat ng kanilang mga sangay mula Luzon at Visayas.

“Sa gift giving na ito, namahagi ang Motortrade ng food packs sa mga pinaka-nangangailangan na mga pamilya mula Luzon hanggang Visayas.  Ang bawat food pack ay naglalaman ng basic food items kagaya ng bigas, kape, noodles at sardines,” ayon kay Motortrade Regional Manager for South NCR Renalyn Prades.

Nabatid na bawat branch ay namigay ng 50 food packs.  At dahil may kabuuang 624 branches ang Motortrade sa buong bansa, umabot sa 31,200 pamilya ang nabiyayaan ng proyekto.  Inihatid ang mga food packs ng ‘door-to-door’ sa pamamagitan ng mga motorcycle rider groups na kaisa ng Motortrade sa proyekto.

“Ang gift giving project na ito ay pamamaraan ng Motortrade para magpasalamat sa walang sawang suporta ng mga Pilipino sa aming company at syempre ay pagpapakita rin namin ng malasakit sa pamilyang Pilipino,” dagdag pa ni Prades.

Sinabi naman ni Fernando Lopez, Regional Manager for North NCR, na may limang taon nang ginagawa ng Motortrade ang proyekto para matulungan ang mga tinatawag na ‘poorest-of-the-poor’ sa bawat barangay. Tinutukoy ang mga kuwalipikadong benepisaryo ng mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng ibinigay nilang criteria na kanilang biniberepika sa pagbisita sa kanilang lugar.

Bukod dito, sinabi rin ni Lopez na tumutugon at namamahagi rin ng ‘food packs’ ang Motortrade sa iba pang kalamidad tulad ng pagtama ng bagyong Tisoy at sa nakalipas na pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ipinagmalaki nila na ang Motortrade Nationwide Corporation ang pinakamalaking motorcycle dealer sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 624 sangay at nasa industriya sa loob ng 51 taon. 

Muling hinikayat ng Motortrade ang publiko sa pagbili ng motorsiklo sa iba’t iba nilang sangay. Maaaring magpunta ng personal sa anumang sangay nila at maaari ring bisitahin ang kanilang Facebook page na Facebook.com/MotortradePh at website na www.motortrade.com.ph.

GIFT GIVING PROJECT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with