7 NCRPO cops positibo sa random drug test
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isa dito ay kabilang sa   356 narco cops na nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpositibo sa random drug test.

 Ito ang kinumpirma ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas base sa resulta ng drug test.

Ayon kay Sinas, nakasalang na sa adjudication process ang nasabing parak bilang bahagi ng pinaigting na internal cleansing.

Sinabi ng opisyal na halos 6,000 tauhan ng NCRPO ang sumalang sa random drug test.

Kabilang dito ang nasa 22 pulis mula sa 31 tauhan ng NCRPO na napasama sa 356 narco cops sa drug watchlist ng punong ehekutibo.

Ayon kay Sinas ang pitong nagpositibo sa drug test ay kinabibilangan ng anim na Police Non Commissioned Officers at isang Police Commissioned Officers.

 Inihayag nito na dinisarmahan na ang naturang pulis na isinailalim sa pre-charge investigation para sa kasong administratibong kinakaharap ng mga ito sa paggamit ng illegal na droga.

Nabatid kay Sinas na sa 31 tauhan ng NCRPO na kabilang sa 356 sa narcolist ay 22 pa lamang ang naisalang sa adjudication process dahilan hindi pa nagsisipag-report ang iba pa sa mga ito.

“ Yung siyam po ay AWOL na po, inawol na po namin yung siyam, gagawa na po kami ng paraan para ma cut ang sweldo nila at hopefully they will be dismiss from the police service “, anang opisyal.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with