Kelot patay sa sunog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na lalaki ang nasawi sa naganap na trenta minutos na  sunog  sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Denmark Jose, residente ng Domingo Santiago St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SFO3 Edilberto Cruz, arson investigator ng Manila Fire District, unang alarma lang ang inabot ng sunog na nagsimula dakong alas-6:06 ng umaga at idineklarang fire-out alas-6:39 ng umaga.

Hindi nakalabas ng bahay at natagpuang patay ang biktimang na-suffocate sa loob ng banyo.

Nangungupahan lamang umano ang pamilya Jose sa 3-storey apartment na nasunog.

Yari sa pinaghalong concrete at light materials ang nasabing bahay na tinatayang nasa P10-libo ang napinsalang ari-arian.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with