Sandra Cam kinasuhan ng murder
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

Sa pagpatay sa Masbate Vice Mayor

MANILA, Philippines — Inihain na kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang mga kasong murder at frustrated murder laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam kaugnay sa pamamas­lang kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson II noong Oktubre 2019.

Bukod kay Cam, kasama sa ipinagharap ng reklamo ng NBI-Death Investigation Division (DID) ang anak nito na si Marco Martin Cam; Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito De Luna; at Rigor Dela Cruz.

Complainant sa ­re­k­la­mo ang maybahay ng vice mayor na si Ginang Lalaine Yuson.

Inirekomenda ng NBI-DID ang pagsasagawa ng preliminary investigation laban sa mga respondents.

Nauna ng itinanggi ni Cam na may kinalaman siya sa akusasyon ng maybahay nang pinas­lang na bise alkalde subalit matapos ang imbestigasyon ng NBI ay lumutang ang naging akusasyon ni Gng. Yuson na si Cam ay nasa likod ng pamamaslang sa bise alkalde.

Matatandaang si Yuson III ay pinatay ng mga armadong kalalakihan sa isang eatery na pag-aari ng kaniyang  kapatid na barangay chairman sa Sampaloc. Kasama ni Yuson III sina Wilfredo Pineda, 44 at Alberto Alforte na kapwa sugatan sa pamamaril.

Kasama sa alegas­yon ni Gng. Yuson ang isyu sa  pagiging talunan ng anak ni Cam sa 2019 mayoral election sa Ba­tuan kung saan nagwagi ang anak ni Yuson na si Charmax Jan Yuson.

SANDRA CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with