Ayon kay Guevarra, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) upang siyasatin ang kaso.
STAR/File
BuCor official itinumba dahil sa isisiwalat sa GCTA anomalies
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2020 - 12:00am

NBI pasok sa imbestigasyon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na may kinalaman sa isisiwalat na anomalya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pagpatay sa BuCor Official official na si Atty. Fredric Anthony Santos kamakalawa.

Ayon kay Guevarra, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) upang siyasatin ang kaso.

Pinagbabaril ang sasakyan ni Santos dakong ala -1:50 ng tanghali noong Miyerkules.

Si Santos, ay legal division chief ng Bureau of Corrections noong panahon ni  BuCor chief Nicanor Faeldon kung saan nabunyag ang  (GCTA) ng hindi alam ni Guevarra.

Isa si Santos sa 20 BuCor personnel na sinuspinde ng Office of the Ombudsman sa GCTA controversy.

Isiniwalat ni Santos ang mga korapsyon na nagaganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

“Considering Atty. Santos’ involvement in the GCTA controversy, I will now issue a Department Order directing the NBI to immediately conduct an investigation,” saad ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Samantala, inamin  ng tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) na inuulan sila ng pagbabanta sa kanilang buhay bago pa man ang nangyaring pananambang kay Atty. Santos nitong nakaraang Miyerkules ng hapon.

“Maraming mga personnel may mga death threats na, pati mga bago nakaka-receive ng mga pananakot.  Pero hindi ito maiaalis at ‘di kami natatakot dahil sa pagtupad lamang ito ng aming tungkulin para sa positive changes sa kawanihan ng bilangguan,” ayon kay BuCor spokesperson Col. Gabriel Chaclag.

Sinabi ni Chaclag na nag-utos na rin si BuCor Director General Gerald Bantag ng sarili nilang imbestigasyon sa pamamaslang kay Santos at kung maiuugnay ito sa pagpatay rin sa iba pang opisyal ng kawanihan mula nang pumutok ang isyu ng “GCTA (Good Conduct Time Allo­­wance) for sale”.

Bukod kay Santos, pinas­lang din noong Agosto 27, 2019 ang dating chief adminis­trative officer 3 ng Bucor na si Ruperto Traya Jr.nang barilin sa ulo sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City at si Corrections Officer 1 Porferio Bergula, nakatalaga sa New Bilibid Prisons medium security compound noong Nobyembre 27, 2019.

Pabor din umano ang BuCor na magkaroon ng ‘joint investigation’ sa ibang ‘law enforcement agency’ para maiwasan ang agam-agam na iisang pananaw lamang ang lalabas sa resulta nito. Danilo Garcia

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with