^

Metro

Legal chief ng BuCor, patay sa ambush

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Legal chief ng BuCor, patay sa ambush
Nagtamo ng mga tama ng bala kabilang ang apat sa ulo ang biktimang si Atty. Frederick Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor.
STAR/Edd Gumban, file

Tumestigo sa GCTA controversy

MANILA, Philippines — Patay sa pananambang ang suspendidong legal chief ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi nakilalang salarin habang sakay ng kanyang pick-up van malapit sa isang paaralan sa Muntinlupa City, kahapon ng hapon.

Nagtamo ng mga  tama ng bala kabilang ang apat sa ulo ang biktimang si Atty. Frederick Anthony Santos, dating chief legal officer ng BuCor.  

Sa inisyal na ulat, naganap ang pananambang dakong ala-1:50 ng hapon sa may Katihan Road sa Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.  May 100 metro lamang ang layo nito sa entrada ng BuCor compound.

Sakay ang biktima ng kanyang itim na Toyota Hilux pick-up van at susunduin umano ang kanyang anak  sa paaralan  na ilang metro rin ang layo sa lugar ng krimen nang maganap ang pamamaril ng dalawang lalaki.  Tiniyak umano ng mga salarin na patay si Santos dahil sa rami ng bala na pinakawalan sa sasakyan.

Posibleng tinangkang takasan pa umano ng biktima ang mga gunmen    nang kabigin niya sa kabilang bahagi ng kalsada ang kanyang minamanehong sasakyan.  Natagpuan siya na nakahiga na sa buong driver at passenger seat sa harapan ng kanyang behikulo.

Tikom naman ang bibig ng mga tao sa lugar na nakasaksi sa krimen maging ang mga tauhan ng BuCor.  Hindi rin mabatid kung anong uri ng sasakyan ang ginamit ng mga salarin sa kanilang pagtakas.

Anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril ang narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) habang may nakita rin na dashcam sa kotse ni Santos ngunit wala umanong laman na video footage. 

Inaalam naman ng pulis­ya kung nakunan ng video ng nakaka­bit na CCTV came­ra sa lugar ang pangyayari. Dati ring inamin noong Setyembre 2019 ni Santos sa hearing ng kontrober­sya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa Senate Blue Ribbon Committee na lahat ay nababayaran sa New Bilibid Prisons (NBP) at may umiiral na ‘code of silence’. Siya rin ang umamin na halos 2,000 in­mates ang napalaya ng BuCor mula noong 2013 sa ilalim ng GCTA Law.
Minsang nalagay sa kontrobersya si Santos nang tanungin ni Senador Panfilo Lacson sa isa sa mga hearing sa Senado kung gumagamit siya ng ilegal na droga at nakikipag-jamming sa mga drug convict na kanyang itinanggi.

Setyembre ng nakalipas na taon nang suspendihin ng Ombudsman si Santos dahil sa kontro-bersiya ng GCTA.

vuukle comment

FREDERICK ANTHONY SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with