^

Metro

Miyembro ng Abu Sayyaf, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

QUEZON CITY, Philippines — Timbog ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf terrorist group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Adzman Tanjal, 32, tubong Sabah Malaysia at  nakatira sa Libyan St., Salaam Compound Bgry. Culiat, Quezon City. 

Ayon sa report, si Tanjal ay inaresto dakong alas-9:30 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte laban sa kanya.

Nabawi mula sa suspek ang isang MK-2 fragmentation hand grenade, isang Colk Mark IV caliber 45 pistol, isang magazine na puno ng bala at  live ammunition.

Ang lahat ng nabawing ebidensiya sa suspek ay dinala na sa QCPD para sa proper disposition habang ang suspek ay nakakulong na sa Integrated jail at nahaharap sa kaukulang demanda.

Isang pulis naman na kinilalang si P/Sgt Lou Francis Burawes ang nasugatan sa pagsalakay makaraang tamaan ng bala ng M-16 armalite rifle sa kaliwang paa nang aksidenteng ma­kalabit nito ang gatilyo ng nasabing baril.

Agad naman isinugod sa pagamutan ang nasabing pulis kung saan siya nagpapagaling sa ngayon.

vuukle comment

ADZMAN TANJA

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with