^

Metro

Higit 100 pamilya nasunugan sa Parañaque, Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nawalan ng tahanan ng higit sa 100 pamilya sa lungsod ng Parañaque at Taguig sa pagsiklab ng magkahiwalay na sunog kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, alas-8:05 ng uma­ga nang mag-umpisang sumiklab ang apoy sa dalawang palapag na bahay ni Ronald Edroso sa Purok Singko, Silverio Cmpd., Brgy San Isidro, ng naturang lungsod.

Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog dakong alas-9:47 ng umaga at nagawang maapula pasado alas-11 ng umaga.

Nabatid na umabot sa 21 fire trucks buhat sa BFP at 40 sa mga volunteer groups ang rumesponde at nakipaglaban sa apoy.

Sa pagtaya ng BFP, nasa 50 kabahayan ang natupok na may halagang P1  milyon.

Aabot naman sa 110 pamilya ang naapektuhan sa sunog na nagsisiksikan ngayon sa pinakamalapit na evacuation center.

Nauna rito, isang sunog din ang sumiklab sa may Zone 1 Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City dakong alas-7:45 ng umaga.

Nag-umpisa ang apoy sa bahay ni Juan Ancheta na kumalat sa apat pang katabing bahay. Nasa 17 pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagawang maapula dakong alas-8:01 ng umaga.

vuukle comment

BFP

RONALD EDROSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with