^

Metro

Bikoy nagpiyansa na sa Quezon City court

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bikoy nagpiyansa na sa Quezon City court
Naglagak ng kanyang piyansa sa Quezon City Regional Trial Court Branch 138 para sa pansamantala niyang kalayaan si Peter Advincula alyas Bikoy (pan-galawa mula kaliwa) kaugnay ng kinakaharap niyang kasong sedition. Si Advincula ang nasa likod umano ng video na “Ang Totoong Narcolist.”
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakapaglagak na ng piyansa sa Quezon City Metro­politan Trial Court si Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy kaugnay sa kinakaharap na kasong sediton. 

Si Bikoy ay umano’y nakipagsabwatan sa isa pang personalidad para umano’y mag-alsa laban sa pamahalaan at umano’y nagpasabog ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nag-uugnay sa Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa illegal drug trade.

Sampung libong piso ang  piyansang nailagak sa korte ni Advincula kasama ang abogado nitong si Atty. Larry Gadon  para sa kanyang kalayaan.

Si Advincula ay kapwa akusado  sa sedition case kasama si dating Senador Antonio Trillanes at iba pang personalidad na inisyuhan ng warrant of arrest ng QC court. Hindi pa nakakapag- piyansa si Trillanes sa QC court hanggang kahapon.

Pinag aaralan naman ng State prosecutors kung gagawing state witness sa kaso si Advincula.

vuukle comment

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with