Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ngayong linggo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makaraan ang apat na magkakasunod na rolbak sa petrolyo, magpapatupad naman ng dagdag-bawas ang mga kompanya ng langis sa kanilang mga produkto ngayong papasok na linggo.

Pinakaunang nag-anunsyo ng galaw sa presyo ng petrolyo ang Pilipinas Shell Petroleum na magtataas ng P.35 sentimos sa kada litro ng gasolina habang magtatapyas naman sila ng kati­ting na P.10 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ipatutupad ng Shell ang pagbabago sa presyo sa darating na Martes alas-6:00 ng umaga.

Sasabay naman sa Shell ang Seaoil Philippines na magbaba rin ng kaparehong presyo sa parehong mga produkto, habang ang Petro Gazz at Cleanfuel ay sa Miyerkules pa magpapatupad ng parehong dagdag-bawas.

Una nang nagsunud-sunod ang pagbaba sa presyo ng petrolyo dahil sa pagbaba sa demand nito dahil sa CO­VID-19 partikular sa China na nagawan ng solusyon nang magbawas sa produksyon ng langis ang mga miyembro ng OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries).

PETROLYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with