2 male therapist naaktuhan sa ‘extra service’ arestado
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ang dalawang male therapist matapos maaktuhan na nakikipagtalik sa dalawang ‘gay’ clients nang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang isang boarding house, na sa ibaba ay tattoo service shop at fitness gym, sa Malabon St., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kahapon ay isinailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9208 (Anti- Trafficking in Persons Act of 2003) ang mga suspek na sina Marben Jan Villavicencio at Edwin Fabunan, kapwa nasa hustong gulang , kapwa nagtatrabaho sa DL’S Welness Center.

Ayon kay MPD-Station 3 chief, P/Lt. Colonel Reynaldo Magdaluyo, isinagawa ang pagsalakay dakong alas 9:30 ng gabi, sa maliliit na silid sa ikalawang palapag ng DL’S Welness Center na matatagpuan sa no. 1663 Malabon St., sakop ng Barangay 336, Zone 34,  Sta.  Cruz, Maynila.

Samantala, ipinasuyod din ni Col. Magdaluyo ang kahabaan ng Rizal Ave. at CM Recto Ave, sa Sta. Cruz, Maynila kahapon, dakong ala 1:30  ng madaling araw para sagipin ang ‘pick-up girls’ na namamayagpag doon para sa panandaliang aliw.

Kabilang sa mga nasagip sina Marcie Gregorio, Analona Romano, Rose Cañar, Mary Jane Riosa, May Canlas, Angel Joyce Dela Cruz, April Polayapoy, Mary Joy Delgado, Joan Asuncion, Joan Ang, Mary Ann Delosmo, Krystal Adona, Anne Christine Fortaleza, Haidelou Caputalan, Carol Guevarra,  Jayrose Calingacion, Rea Sapiandante, Gladys Dela Cruz, at  Arlene Santos.

“Hindi naman sila kinasuhan kasi hindi naman aktong nakita sila sa pakikipagtalik kundi dinampot at inirescue para hindi na sila magbenta pa ng laman,” ani Magdaluyo.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with