Riles ng MRT nasira, biyahe pinaikli
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil nasira ang isang bahagi ng riles ng MRT-3 sa North Avenue Station sa Quezon City, pinaikli muna ang biyahe  nito kahapon ng umaga.

Batay sa paabiso ng pamunuan ng MRT-3, nabatid na dakong alas-8:17 ng umaga nang simulan nila ang pagpapatupad ng provisional service mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue, Pasay City lamang.

Nang alamin ang pinagmulan ng problema, nadiskubre na isang stretcher bar sa riles ang nasira sa North Avenue Station turnback.

 Kaagad naman umanong isinaayos ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy-TESP team ang problema.

Pinalitan umano ng mga ito ang nasirang stretcher bar at nagsagawa rin ng retightening at calibration works.

Dakong alas-12:22 ng tanghali nang maibalik sa normal ang operasyon ng kanilang mga tren.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Ave., Pasay City via EDSA, at vice versa.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with