Bebot na ‘tulak’, 4 pa dakma sa droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na babae na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at apat na drug user ang nalambat ng mga tauhan ng Taguig City Police sa ikinasang operasyon, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga dinakip na sina Jenneth Maturan, alyas “Helen”; Raymund Hitomo; Nasrolah Hasan; Dennis Andes; at Reynaldo Relon,  pawang nakatira sa Brgy. Western Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, alas-6:45 ng umaga nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation target ang suspek na si Maturan sa may Iriga Street sa Brgy. Western Bicutan.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga at matagumpay na nakabili ng shabu sa grupo.  Nang magbigay ng hudyat, dito na sinalakay ng mga nakaantabay na pulis ang ikatlong palapag ng bahay ni Maturan kung saan nasakote rin sa lugar ang apat pang iba.

Nakumpiska ng mga pulis ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng nasa 14.27 gramo ng shabu at may halagang P97,036; isang P1,000 marked money, drug paraphernalia at P2,190 pera.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Taguig City Police Custodial Jail at pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with