Ilan lamang ito sa mga kababaihang nasagip sa mga sinalakay na prostitution den sa Makati City.
Miguel De Guzman
3 prostitution den, ni-raid: 3 ‘bugaw’ timbog
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong ‘bugaw’ habang nasa 44 na babae ang nasagip ng pulisya sa isinagawang raid  sa tatlong hinihinalang prostitution den sa Makati City at bayan ng Pateros mula kama­kalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Makati City Police, unang sinalakay ang Pentagon Spa sa may Belarmino Street, Brgy. Bangkal dakong alas-11:15 ng gabi nang magpositibo sa kanilang casing operation ang bentahan ng aliw.

Inaresto sa operasyon ang itinuturong maintainer at ‘bugaw ‘na si Jeniffer De Leon, 30-anyos habang nasa 12 babae ang nailigtas ng mga pulis.

Alas-12:15 ng mada­ling araw nang sunod na salaka­yin naman ang Edison Cafe sa may Morse Street, Brgy. San Isidro, ng naturang lungsod. Isang pulis ang nagpanggap na kustomer at nagbayad ng P3,000 para makipagtalik sa isa sa mga babae sa lugar.

Inaresto ng mga pulis ang mga ‘bugaw’ na nakipagtransaksyon sa kostumer na pulis na sina Rafael Rosales, 42 at Rodolfo Rosales, 38 habang nasa 24 na babae ang nailigtas sa lugar.

Dakong alas-4:30 nang salakayin naman ng mga tauhan ng Pateros Municipal Police ang Singkita KTV Bar sa may E. Almeda Street Brgy. San Roque. Ito ay matapos na isang pulis ang nagawang makipagtalik sa loob ng naturang bar kapalit ng bayad na P2,000. Inimbitahan sa presinto ang walong babae at katiwala sa bar na si Mark Desudido, 35.

PENTAGON SPA RAFAEL ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with