Mister, dedo sa pananaksak
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister, na nagpaalam lamang sandali na lalabas ng bahay  nang saksakin ng ‘di kilalang salarin sa gilid ng kalsada sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival na sa Victor Potenciano Medical Center ang biktimang si Junerly Aboy, 38, ng Brgy. Addition Hills, dahil sa tinamong tama ng saksak ng patalim sa dibdib.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin sa krimen, na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 27 Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills.

Nauna rito, ilang oras bago natagpuang sugatan ay nagpaalam umano sa kanyang asawang si Krizia ang biktima, na lalabas lamang ng bahay  dahil may kukuhanin ito.

Makalipas naman ang ilang oras ay nagulat na lamang si Krizia nang mabalitaang natagpuan na itong duguang nakahandusay sa gilid ng kalsada, at may dugong lumalabas sa kanyang dibdib.

Kaagad umanong pinuntahan ni Krizia ang asawa at isinugod sa pagamutan ngunit patay na ito.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikare­resolba nito.

JUNERLY ABOY VICTOR POTENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with